← Back to Home
Nhenz, ikinuwento ang hirap ng pagiging isang OFW | It’s Showtime

Nhenz, ikinuwento ang hirap ng pagiging isang OFW | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 10/28/2025, 5:03:51 AM894 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Nhenz Laro Laro Pick#Nhenz Showtime#OFW Laro Laro Pick#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Showtime October 28

Simula na ng paggawa ng list! Check it twice, sino ba ang mga naging naughty or nice? Basta sa paggawa ng listahan ng mga reregaluhan sa darating na Kapaskuhan, si self ay huwag kalimutan.

Dahil deserve mo rin ng reward! Kaya ngayon pa lang ay may early gift ka nang makukuha–ang gift of good vibes and positivity mula sa “It’s Showtime” family at gift of music mula sa nag-iisang Fearless Diva, Jona!

Kung may mga SMP o “samahan ng malalamig ang pasko.” Si Jona naman ay mula sa SMT o “samahan ng matataas ang tinig!” Kaya maki-party na with Jona para ang enery ay maging kasintaas ng boses niya! Kung tinig niya ay source of comfort para sa iba, eh sino o ano naman ang nagbibigay ng comfort kay Jona?

Tiniis nila na malayo sa kanilang pamilya, kaya sa “Laro Laro Pick” game arena, mga dakilang OFWs naman ang nakatanggap ng biyaya. Para naman sa madlang people sa studio, sina Jugs Jugueta, Lassy, Ion Perez at Darren Espanto ang naglalaro.

Para kay Allison, pinaka-challenging part ng pagiging isang OFW ay ‘yung malayo sa pamilya, pero ang pinaka-rewarding naman ay ‘yung makatulong at makapagpundar at makitang may pinatunguhan ang pagihirap niya.

Si Nhenz, balak bumalik sa Taiwan dahil matindi ang pangangailan lalo pa’t na-stroke ang ama. Bilang single mom, masakit na malayo sa anak niya pero no choice, ‘ika nga. Doon naman sa abroad, mabuti na lang ay may natagpuan siyang ikalawang pamilya sa mga kapwa-OFW, kaya kahit papaano ay nababawasan ang homesickness at lungkot sa puso.

Heartbreaking din ang kuwento ni Mhilet, na nakaranas ng pananakit mula sa amo sa ibang bansa. Sa mga narinig na kuwento, nanawagan si Jhong Hilario sa mga nakatataas na sana magawan ng paraan na hindi na kailanganin pang umalis ng mga Pilipino para aa mas malaking kita abroad.

Samantala, todo-bigay sa sayawan ang mga OFW players para ma-attract ang swerte sa “Illuminate or Eliminate” round. Sa “It’s Giving,” ang kategorya naman ay mga bansa sa Asya na may pinakamaraming OFWs ayon sa report ng Philippine Statistics Authority. “Kahit Konting Pagtingin” naman ang piyesa sa sing-along round na “You

Gotta Lyric.” Si Darren, sobrang na-pressure dahil siya na lang ang pag-asa ng madlang people. ‘Yun nga lang, tamang lyrics ay hindi niya nahulaan. Ang umabante naman sa jackpot round ay si OFW JP. Maging extra lucky kaya siya today?

Kung ang pangalan ng “Laro Laro Pick” OFW player na umabante sa final game ay JP, ibig sabihin ba nito ay “jackpot”? Kinilig ang madlang people sa studio sa kuwento ni JP, na ikinasal noong February 6, 2016 at kinailangan umalis three days later pa-Kuwait para magtrabaho. Imbes na honeymoon ang naghihintay, trabaho ang pinuntahan niya. Malaking sacrifice ito pero tiniis para sa future nila ni misis.

And when it was finally time to go home after six years, na-pull off ni JP ang surprise homecoming. Walang kaalam-alam si misis na darating na pala si mister. Ganyan ang mga galawang pang-forever!

Ang wish ni JP sana palarin na at magkaroon na sila ng baby. Sinubukan din niya na amuhin ang kapalaran. Li-Pot offer ng P35,000 ay kanyang tinanggihan para sa POT question na katumbas ng P200,000

Ang tanong, “Anong legendary o maalamat na makulay na ibon ng mga Maranao ang nagsilbing simbolo ng pagpasok ng kulay at inobasyon sa telebision ng ABS-CBN noong 1966?”

Ang unang pumasok sa isip niya’y “ibong adarna.” Pero ang sagot ay “sarimanok” pala. Hindi man pinalad sa laro, panalo pa rin si JP sa pagkakaroon ng mapagmahal na asawa, at sana’y matupad na ang “baby” na pangarap nila.

Kagaya ng mga OFWs na walang inuurungan na sumalang sa “Laro Laro Pick” game arena, walang inuurungan din ang mga members ng Pangkat Bughaw at Pangkat Luntian sa Pangkatapatan round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Dahil nanguna na sa talaan ng puntos, sure na ang pagpasok ng Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante sa next round. Pero dahil may tig-isang member pang natitira sa bawat grupo, sina Angelica Magno (Luntian) at Jinky Cawayan (Bughaw), aawit pa rin sila para na lang sa premyong pinaglalabanan.

Nag-ala AEGIS si Angelica sa pagbirit ng “Luha,” samantalang fierce naman ang atake ni Jinky sa pagkanta ng “Bring Me To Life” at bagama’t nabilangan ni Punong Hurado Louie Ocampo, nagpatuloy pa rin si Jinky sa entablado. Paliwanag ni Maestro, baka masyadong na-overwhelm si Jinky kaya sumablay ang vocal control.

Sa huli, nanaig ang performance ni Angelica, na nagtala ng score na 92.3% laban sa 88.7% ni Jinky. Nakakuha ng kabuuang 7 points ang Luntian.

Nakakalungkot but Pangkat Bughaw had to take their final bow. Ngunit dahil ang TNT stage ay tungkol din sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon, isa sa Pangkat

Bughaw members ang nailigtas at pinili ni mentor Bituin. At ito ay si Lucky Nicole Galindez.

Naging emosyonal si Lucky, na ibinahagi ang naging pag-uusap nila ng Pangkat Bughaw co-members kahapon. Sabi ni Lucky, nag-sorry raw ang co-members niya sa pagkakatanggal ng kanilang grupo dahil naniniwala silang si Lucky ay karapat-dapat maging kampeon sa TNT entablado.

Si mentor Mark Bautista, aminadong naging close sa mga “alaga” niya sa Pangkat Bughaw, kaya ang mensahe niya sa lahat ng Bughaw members ay huwag tumigil sa pagkanta at sa kanilang pangarap. “Baunin n’yo kung ano ang mga natutunan n’yo sa mga hurado at mga mentor. Malayo pa ang mararating n’yo,” sabi ni mentor Mark.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Nhenz, ikinuwento ang hirap ng pagiging isang OFW | It’s Showtime | Cheezmis