← Back to Home
Arnie, may nakakaaliw na sagot sa tanong ni Jhong | It’s Showtime

Arnie, may nakakaaliw na sagot sa tanong ni Jhong | It’s Showtime

Arnie, may nakakaaliw na sagot sa tanong ni Jhong | It’s Showtime

🕒 10/25/2025, 6:52:08 AM710 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeSiksik16#Laro Laro Pick#Arnie#Vhong Navarro#Karylle#Jhong Hilario#MC#Lassy#Ogie Alcasid#Darren Espanto#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga

Once upon a Sabado, may limang gwapo na nagpakalat ng kilig sa studio. Ang special kakayahan nila ay pangitiin at paindakin ang mga tao. Mga pangalan nila’y JL, Akira, Mikki, Nate at Gelo. Sila ang BGYO! 

From the era of “All These Ladies” na super nakaka-LSS, may bagong single ang ‘best boys’ natin, titled “Dance With Me.” Kung may isasayaw silang binibini, sino ang kanilang pipiliin? Si JL, gustong maka-collab sa dance floor si Karylle. Teka, bakit may tampuhan? Sina Lassy at MC, si Gelo ang trip pag-agawan?! 

Pasok mga suki, ano ang hanap n’yo?! Good vibes ba kamo? Meron n’yan dito–libre pa mula sa players na sumalang sa “Laro Laro Pick” game arena. Sila ang mga madlang palengke vendors. Swerte kaya ay kakatok sa kanilang door? 

Bag raid muna tayo with Nanay Rita, siyam na taon nang nagtitinda ng gulay sa palengke. Nagpapasalamat siya sa dating amo na nagbigay ng puhunan after her retirement. Palengke is life para sa pamilya ni Rita dahil ito rin ang hanapbuhay ng mga anak niya. Kung curious kayo kung saan napupunta ang mga tirang gulay na hindi naibebenta, ipinamimigay raw ito ni Nanay Rita kaysa nga naman mabulok. 

Kung palengke is life para kay Rita, kilay is life naman para kay Arnie, na pinaghandaan ang exposure niya sa “Laro Laro Pick” with her kilay on fleek! Hi, brow! Bilang tindera ng gulay sa palengke, may mensahe si Arnie sa mga batang picky eaters na ayaw kumain ng gulay. Aminado si Vhong Navarro na nagsisisi siya na hindi niya kinalakihan ang pagkain ng gulay. Kaya sa mga bagets, gulay-gulay rin ‘pag may time! Masustansya ang  banter ng hosts with Arnie, na hindi nauubusan ng hirit. Pati asawang si “Islaw” hindi nakaligtas sa pamumuksa niya. Dahil napasaya ni Arnie ang Madlang People, nakatanggap siya ng P3,000 bonus from Jhong Hilario. 

Para naman sa madlang people sa studio, sina MC, Lassy, Teddy Corpuz at Darren Espanto ang representative nila sa laro. 

I-flex ang best hataw para ma-attract ang tamang ilaw sa “Illuminate or Eliminate.” Sa “It’s Giving,” ang category ay mga bagay na nakikita sa loob ng banyo ayon sa listahan ng isang website. Kailangan alalahanin ang lyrics ng kanta para ma-survive ang “You Gotta Lyric” featuring Renz Verano’s “Remember Me.” Sa huli, ang swerte, isang tao lang ang pinili–‘yan ay si Arnie. Mukhang lucky charm ‘yung kilay, teh!  

Kilay on fleek ang lucky charm ni Arnie para makasampa sa jackpot round ng “Laro Laro Pick” kung saan P100,000 ang pwede niyang mapanalunan kapag nasagot nang tama ang kasagutan.

Pero bago ang tanungan, si Arnie nagkuwento muna tungkol sa love story nila ng asawang si “Islaw.” Pero mas nakaka-intriga kung paano niya na-perfect ang kilay! Si Arnie ay nagtitinda ng gulay sa palengke, kaya wish niya, sana ang tanong ay tungkol din sa mga gulay. 

Pero ang tanong na tumapat nang piliin niya ang POT, hindi man tungkol sa gulay, may kinalaman naman sa math. Bilang tindera, dapat mabilis magkuwenta. Ang tanong, “Ilan ang 20 percent ng 80?” Sagot niya, “50!” Sayang dahil hindi niya nakuha ang tamang sagot. Gayunpaman, panalo pa rin si Arnie sa life dahil may asawang mapagmahal at may positibong pananaw. 

Kinabahan ang Pangkat Bughaw ni mentor Mark Bautista sa pagpapatuloy ng Pangkatapatan round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9. Kahapon ay nabuhayan sila ng loob dahil nanalo ang pambatong si Rob Limbawan kaya naudlot ang pag-abante ng Pangkat Luntian. 

Gayunpaman, crucial pa rin ang araw na ito dahil kung sila ay matatalo, tuloy na talaga ang Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante sa next round ng competition. 

Kaya naman pinag-isipang mabuti ni mentor Mark kung sino ang isasabong kay Essam Gubat ng Luntian. At napili niya si Vincent Guim, na buong puso ang pag-awit ng “Open Arms.” Komento ni hurado Ogie Alcasid, mahirap talunin ang kombinasyon ng power at timbre, at mayroon n’yan si Vincent. 

From the green corner, forda vibe ang performance ni Essam, singing Lady Gaga’s “You and I.” Naging honest si hurado Erik Santos. Aniya, preoccupied si Essam habang kumakanta. 

Pangkat Bughaw ay nagbunyi dahil buhay pa ang grupo nila. Sa score na 92.7% ni Vincent, may 4 points na ang Bughaw, habang nanatili naman sa 5 points ang Luntian matapos magtala ni Essam ng score na 90.7%.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Arnie, may nakakaaliw na sagot sa tanong ni Jhong | It’s Showtime | Cheezmis