← Back to Home
Nanay Beng, ayaw na tumanggap ng manliligaw | It’s Showtime

Nanay Beng, ayaw na tumanggap ng manliligaw | It’s Showtime

Nanay Beng, ayaw na tumanggap ng manliligaw | It’s Showtime

🕒 10/17/2025, 5:10:46 AM759 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#IbaKaTalagaShowtime#Beng#manliligaw#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Bianca Umali#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Jugs Jugueta#Ion Perez#Lassy

Tinamaan ng kilig ang Madlang People sa “It’s Showtime” studio thanks to a harana mula sa isang Gen Z crooner na gwapo! Kapag si Reiven Umali ang kumanta, mapapangiti ka sa bawat linya, sa isang kanta tungkol sa taong gusto niyang makasama forever. May pinatatamaan nga ba si Reiven? 

Napatanong naman ang hosts kung magpinsan ba sina Reiven at guest co-host Bianca Umali. Wala silang idea as of now, pero aalamin daw nila. Mukhang pwede! Pinsan na nga ang tawag ni Bianca kay Reiven. 

More good vibes naman ang dala ng mga mananahing sumabak sa “Laro Laro Pick” game arena. At tuloy-tuloy ang bakbakan ng mga boses na palaban sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 Pangkatapatan.

Mula sa kilig feels na hatid ni Reiven Umali, feeling SEW lucky namaan ang mga mananahing sumalang sa “Laro Laro Pick” game arena. Maitahi rin kaya nila ang jackpot prize sa mga buhay nila? 

Kinilala ng hosts si Nanay Beng, 68 years old na siya ngayon, at 20 lang nang unang matutong manahi kaya ito na ang naging buhay niya. At dahil sa pananahi ay napagtapos niya ang mga anak sa pag-aaral. Mayroon na siyang sundalo, pulis, teacher at welder sa pamilya. Apat na taon na siyang biyuda pero not ready to mingle dahil sapat na ang ligaya na hatid ng mga apo niya. Kung P400,000 ay mapasakamay niya, ang balak niya’y magpatayo ng sariling panahian para hindi na nangangamuhan at tutulong din sa mga kapwa niya seniors. At kung may sobra, dream niyang magbakasyon. Malakaas pa si Nanay Beng, ‘no! Keri pa niyang ilusot ang sinulid sa butas ng karayom! 

Si Nanay Jelly, may gustong tahiin–‘yung mga bibig ng ‘marites’ na kapitbahay! Joke lang daw sabi ni nanay, love niya ang neighbors niya dahil siya’y pinagmamalasakitan nila. Mula Mindoro ay lumuwas siya ng Maynila at inaral ang pananahi, na naging hanapbuhay niya. Ito ang nagtaguyod sa kanilang pamilya at sumuporta sa mga anak na mahal na mahal niya, kahit na pasaway ang dalawa niyang binata. 

Dapat wise ang pagpili sa “Illuminate or Eliminate” para swerte ay kumapit. Sa “It’s Giving,” ang category ay mga pinakamahuhusay na lead actors ng pelikula mula 2000 hanggang 2020 ayon sa isang website. Sa "You Gotta Lyric,” feel na feel ang hugot sa awiting “Pangako” ni Rey Valera. Opo, “Pangako” pala ang title ng kantang ‘to, hindi “Pangako Sa’yo.” Sa “PILImination,” box na may smiley ang dapat mapili para sa jackpot round ay umabante. Kay Abel kumapit ang swerte.

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, sinubukan ng mananahing si Abel na itahi ang swerte sa kanyang kapalaran. Malakas ang loob ni Abel dahil sinamahan pa siya ng boss niyang supportive. Binata si Abel at walang kasamang kamag-anak dito sa Maynila, kaya ang mga katrabaho ang tumatayong pamilya. 

Dahil sa lakas ng loob na bigay ni boss, sinugalan ni Abel ang POT question na katumbas ng P400,000 kapalit ng P40,000 na offer sa Li-POT. 

Ang tanong ay tungkol sa titulo ng boxing match event sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum noong 1975, na “Thrilla in _______.” Hindi ito nasagot ni Abel nang tama, pero siguradog may bonus naman siya galing kay boss sa darating na Pasko. 

Kayo, Madlang People, alam n’yo ba ang sagot dito? 

Mas lalong umiinit ang laban sa ikalawang bahagi ng “Tawag ng Tanghalan” Year 9 Pangkatapatan kung saan tig-isang pambato mula sa Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante at Pangkat Bughaw ni mentor Mark Bautista ang sasalang kada araw. 

Mula sa Pangkat Luntian, ipinakita ni Jude Albert Tangkion ang husay niya sa pagkanta ng “pov” ni Ariana Grande. Pang-apat na beses na pala niyang sumubok mag-audition sa TNT, kaya naman itinodo na niya ang pag-abot sa bawat nota. Bukod sa galing niya sa pagkanta, hinangaan din si Jude sa passion niya for environmental projects—literal na "green flag!" Komento hurado Billy Crawford, very skillful singer si Jude but he’s still got room to show that extra grit sa entablado. 

Sa kabilang panig, Jenver Bara represented Pangkat Bughaw with a soaring version of “Sana Maulit Muli” by Regine Velasquez. Dream daw niyang maging singer sa Korea tulad ng kanyang ate,  kaya nangako si Ryan Bang na tutulungan siya kung sakali. Komento naman ni hurado Karylle, tinamaan ni Jenver lahat ng high notes pero sa pagkanta, o sa buhay man, hindi lang matataas na parte ang importante. Little things also matter. 

Sa dulo ng matinding harapan, si Jude ay nakakuha ng score na 91.3%, habang si Jenver ng Pangkat Bughaw ay nagtala ng 86.3%. Tig-iisang point na ang hawak ng Luntian at Bughaw

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Nanay Beng, ayaw na tumanggap ng manliligaw | It’s Showtime | Cheezmis