← Back to Home
“FPJ’s Batang Quiapo” magbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon

“FPJ’s Batang Quiapo” magbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon

Nagbubukas na ang panibagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco Martin).

🕒 1/20/2025, 4:27:20 PM251 wordsEN

ABS-CBN Studios

#FPJ’s Batang Quiapo#Batang Quiapo#Batang Quiapo new chapter#Batang Quiapo 3rd year#Primetime King#Coco Martin#Tanggol#John Estrada#Rigor Dimaguiba

Nagbubukas na ang panibagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco Martin). Isang official poster ang inilunsad para dito at inaabangan na rin ang pag-anunsyo ng mga bigating artista na papasok sa serye. 

Maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang iba’t ibang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena ng karakter niyang si Tanggol. 

Dapat abangan sa bagong yugto ang mas pinatinding mga sagupaan at rebelasyon kasabay ng pagpasok ng mga bagong karakter na maaaring maging panibagong kalaban o kasangga ni Tanggol sa kanyang mga maaaksyong laban. 

Nagpatikim na nga ang serye sa mga pasabog na komprontasyon sa kwento sa pamamagitan ng isang special plug inilabas noong Linggo (Enero 19) kung saan nakakuha ito ng walong milyon view sa loob lamang ng 24 hours sa social media.

Gigil na gigil na ang netizens sa excitement para sa pinaka-inaabangang matinding bakbakan nina Tanggol at Rigor (John Estrada) sa kanilang muling paghaharap.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“FPJ’s Batang Quiapo” magbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon | Cheezmis