← Back to Home
Darren, napansin ang “Gandang pang-AI” ni Vice Ganda | It’s Showtime

Darren, napansin ang “Gandang pang-AI” ni Vice Ganda | It’s Showtime

🕒 12/6/2024, 4:50:57 AM598 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Nineteen days na lang, ma-e-experience na natin ang Paskong Pinakamasaya! Ano ba ang magpapa-happy sa’yo ngayong holidays? May patikim na saya ang “It’s Showtime” family, na maraming inihandang surpresa. 

Speaking of Pasko, ang ilang ‘Showtime’ hosts, sinimulan na ang Christmas shopping! Pero si Teddy Corpuz, may ipinagbabawal na teknik para makaiwas sa gastos. Si Ryan Bang naman, nag-online shopping na pero baka sa February pa dumating ang items. Eh, ‘di Christmas and Valentines gift in one na ‘yan, Ryan!

Special gifts  din ang natanggap nina Vice Ganda, Kim Chiu, at Darren Espanto mula sa Anak TV Awards na pinarangalan ang pagiging mabuting ehemplo nila sa kabataan. 

Welcome to EXpecially For You! ‘Yan ang hirit ni Vice Ganda, thanks to the kilig feels sa “And The Breadwinner Is” dahil sa reunion ni Darren with Cassy Legaspi, ang taga-hula for the day. 

Mukhang pinagpawisan daw si Darren nang makatabi si Cassy! Pero kahit malakas ang asaran, si Darren, always the gentleman! Forda alalay si D habang kinikilatis ni Cassy ang tatlong Breadwinnables.

Nahirapan si Cassy na hanapin kung sino ang totoong breadwinner na guro dahil ginalingan ng tatlong Trabahador mula sa pagigig nonchalant during the kilatis portion hanggang sa pagkilos sa given situation at pagsagot sa isang tanong. At the last minute, nagbago ang isip ni Cassy at tinayaan si Trabahador 1. 

Sorry, Cassy, dahil ang tunay na guro ay si Breadwinnable 3, Michael. Si Sir, nagsimulang maging breadwinner noong high school sa pamamagitan ng creativity at talento sa pagsasaway. Ngayong isa na siyang breadwinner na guro, ang unang natutunan ni Sir Michael ay kung paano tipirin ang 500 pesos sa loob ng two weeks. Kwento niya, ang buong sweldo niya ay ipinapadala sa pamilya sa probinsya–para sa kan’yang magulang, apat na kapatid, at apat na pamangkin. 

Halos ‘di na kumakain si Sir Michael para lang mag-survive. Halos ‘di na rin siya makatulog dahil sa patong-patong na utang, dahil ang sahod ay hinding-hindi kakasya sa sampung tao na kailangan n’yang itaguyod. Pati mental health ni Sir Michael ay apektado na, at minsa’y gusto na niyang sumuko dahil sa sunod-sunod na trahedya sa pamilya. 

Si Sir Michael, hindi lang bayani ng family, kundi bayani rin ng bayan. Kaya deserve niya ang reward at tulong na somehow magpapagaan sa kan’yang pinagdadaanan. Bilang pamasko, babayaran din ni Vice Ganda ang utang ni Sir Michael na umabot ng 100 thousand. 

Mahirap at mahaba man ang daan tungo sa mga pangarap, buong tapang na maglalakbay ang mga estudyanteng kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” 

Narito na ang pambato ng Josefina Herrera Cerilles State College, si Maycos Espinosa, na umawit ng “Nandito Ako” sa entablado. 

Chill jamming naman ang hatid ni Homeschool Global student Ajay Vicente. Kumapit na dahil performance niya ay dadalhin ka sa “Alapaap.” 

Parehong mahusay ang mga contenders for today; halos puro positibo ang komento nina hurado Nonoy Zuniga, Darren, at Louie Ocampo. Pero sa huli, si Maycos ang nakakuha ng mas mataas na grado na 93%


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Darren, napansin ang “Gandang pang-AI” ni Vice Ganda | It’s Showtime | Cheezmis