← Back to Home
Sofronio Vasquez, masayang nakausap ang kanyang It’s Showtime family

Sofronio Vasquez, masayang nakausap ang kanyang It’s Showtime family

🕒 12/12/2024, 4:25:38 AM532 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Kikinang ang kasiyahan ngayong kapaskuhan dahil sagot ng ‘Showtime’ family ang handaan! Heto ang appetizer: ang matamis na tagumpay ni “Tawag Ng Tanghalan” alumnus Sofronio Vasquez, ang Grand Champion ng “The Voice USA” Season 26. Live via video call from California, ibinahagi ni Sofronio ang journey niya as a Pinoy representative sa global stage. Very thankful si Sofronio sa It’s Showtime at TNT na unang nagtiwala sa kan’yang talento. 

Si Sofronio, may kwento tungkol sa kan’yang ‘The Voice’ coach, si Canadian singer Michael Bublé, na very malapit daw ang puso sa Pinas dahil kumpare ni Martin Nievera at minsan daw may naka-date na isang Dyosa. 

Sa “And The Breadwinner Is,” ang kikilatis ay si Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo. For today’s video, kailangan n’yang mahuli kung sino ang tunay na breadwinner barista ng milk tea. 

Ano’ng favorite milk tea flavor mo? Kay Chelsea, classic with tapioca pearls! ‘Yun nga lang, hindi niya nalasahan kung sino ang tunay at nagpapanggap lang. Ang hinahanap na breadwinner na milk tea barista ay si Breadwinnable 1.

Kwento ni Breadwinnable 1 ay patunay na kahit breadwinner ay maaaring magtagumpay basta’t magaling dumiskarte at naka-focus sa goal. Sabihin na rin natin na may kasamang swerte. Nagsimulang maging breadwinner noong pandemic bilang fishball vendor hanggang sa nakapagtrabaho sa isang milk tea shop. Ginalingan sa pag-iipon, bitbit ang isang pangarap mula pagkabata–ang mabigyan ng bahay ang pamilya. At dahil sa pagiging masinop at wais, ang breadwinner for today, natupad na ang pangarap na mabigyan ng bahay ang family!

Ngayong kapaskuhan, masarap ang magkantahan. Kaya naman, tuloy-tuloy lang ang pag-awit ng mga estudyanteng may malalaking pangarap na gustong makamit. 

Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” sakit ng recent breakup ang naging hugot ni Jason Rey Naquila ng J.H. Cerilles State College sa pagkanta ng “Istorya.” Para mabawasan ang lungkot ni Jason, igo-group hug siya ng ‘Showtime’ family. Kinaaliwan din si Kim Chiu as an instant translator para sa kapwa Bisaya na si Jason Rey. 

Confidently beautiful with a powerful voice naman si Lady Shane Villegas ng Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo na kinanta ang “If I Ain’t Got You.” Si Lady Shane, nagpamalas din ng broadcasting skill with Vhong Navarro. Heto pa, nagpagalingan ang ‘Showtime’ hosts sa kani-kanilang ‘lady’ jokes. Ibang klaseng galing din ang pinakita ni hurado Erik Santos na nag-sample ng dance moves.

Nakulangan man sina hurado Erik, Ogie Alcasid, at Darren Espanto sa performances ng dalawang kalahok, alam nila na may natatangi silang talento. Sa huli, si Lady Shane ang nakakuha ng mas mataas na grado at aabante sa next Prelims sa Sabado. 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sofronio Vasquez, masayang nakausap ang kanyang It’s Showtime family | Cheezmis