← Back to Home
Kim Chiu, pinarangalan bilang “Premier Actress Of The Year” | It’s Showtime

Kim Chiu, pinarangalan bilang “Premier Actress Of The Year” | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 12/10/2024, 4:35:18 AM573 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto

Sa dami ng pinagdaanan mo, dapat ipagpasalamat na nakarating ka hanggang dulo. Kaya bago magpalit ng taon, at habang abala ka sa pagbabalot ng regalo, huwag kalimutan ang para sa’yo. Deserve mo ang reward because you love selflessly and work hard. 

Heto ang unang regalo na deserve mo this Tuesday–isang hot performance from Kapuso diva Hannah Precillas. The year 2024 is Kim Chiu’s era! Bago magtapos ang taon, may pahabol pang regalo para sa nag-iisang Chinita Princess, na pinarangalan bilang Premier Actress Of The Year sa 2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Award. So blessed, Kim! Kaya si Vhong Navarro, napadasal na lang, baka sakaling maambunan ng swerte ni Kimmy! 

Pagpupugay na may  good vibes ang regalo ng “It’s Showtime” family kasama ang tagahula na si Ruffa Gutierrez. 

Isang legit tattoo artist ang hinanap for today sa “And The Breadwinner Is.” Legit na tawanan din ang ganap sa studio, thanks to Ruffa’s very kalog energy at sa mga hirit n’yang simple pero havey! Mukhang kailangan ni Ruffa ng refresher course about all things Gen Z and keeping up with stuff na trendy. Uso rin ba ngayon ang kiligin? Nang pangalan ni Bistek ay banggitin, mga mata ni Ruffa ay nagningning! 

Matapos ang on the-spot tattoo and Q&A session, si Breadwinnable 1 ang napili n’yang trabahador. Hindi na magpapabudol at magpapadala sa sulsol. Dahil bulong ng puso ay pinakinggan, si Ruffa tumpak sa hulaan! 

Pero ang loud cheers, napalitan ng tears dahil sa mabigat na pinagdadaanan ng tattoo artist na breadwinner. High school pa lang ay natuto nang rumaket with her creativity. Siya ang sumalo sa responsibilidad ng magulang na ang anak ay dosena. Hindi lahat ng malaking pamilya ay masaya, dahil ang tahanan nila, mas puno ng pangamba kaysa tawa, lalo na sa panahon ng bagyo kung kailan nagtitiis sila sa proteksyon ng bubong na gawa sa pinagtagpi-tagping sako. 

Nakakapagod ang kumayod para sa pamilya, pero mas nakakaubos ng lakas ‘yung pakiramdam na ikaw lang ang kumikilos nang mag-isa, na parang walang nakakahalata sa lungkot at sakit na bakas sa’yong mukha. 

Aawit para sa mga pangarap ang dalawang estudyang nagbanggaan “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” 

Laban ay sinimulan ni Zeus Matibag ng Batangas State University na binigyan ng bagong flavor ang “Beer” ng Itchyworms. Si hurado Dingdong Avanzado, pinuri ang creative song choice ni Zeus. 

Kabog naman ang “Amakabogera” performance ni Jan Marie Manato ng Stella Maris Academy, na nagustuhan ni hurado Mark Bautista.

Satisfied si hurado Marco Sison sa nasaksikang pagtatanghal. Naku, Sir Marco, satisfied din ang Madlang People sa dance moves mo. Kaya naman, everyone, humirit ng sample! 

Dahil ginalingan ng dalawang contenders, pareho silang winners! It’s a tie! Sina Zeus at Jan Marie ang aabante sa Prelims round.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim Chiu, pinarangalan bilang “Premier Actress Of The Year” | It’s Showtime | Cheezmis