← Back to Home
Pops Fernandez, na-pressure sa ‘Kyud Kyud’ dance challenge ni Vice Ganda | It’s Showtime

Pops Fernandez, na-pressure sa ‘Kyud Kyud’ dance challenge ni Vice Ganda | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 11/27/2024, 4:57:02 AM595 wordsEN

. .

#Its Showtime#Madlang Pi-Poll#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Showtime#Pops Fernandez#Kyud Kyud Dance

Nasimulan mo na bang maglista ng mga reregaluhan? O, baka naman trip mong mag-early Christmas shopping? Oks ‘yan para mapasaya ang mga taong close to your heart!

Speaking of close, bumisita si Kapamilya heartthrob Bailey May para iparinig sa Madlang People ang single n’ya titled “Come Closer.” Kilig na mismo ang lalapit sa’yo ‘pag harana ni Bailey ang narinig mo! Eh, teka, sino ba ang gusto n’yang maging ka-close? Pwedeng si Lassy, na feeling extra pretty today!

Mga breadwinners, maghahatid ng inspirasyon. Kwento nila’y kapupulutan ng lessons! For today’s edition of “Ang The Breadwinner Is,” ang bagong-bihis na bersyon ng “Trabahula,” si Concert Queen Pops Fernandez ang kikilatis sa tatlong trabahador.

Sa segment na ‘to, may tatlong pagkakataon si Pops para kilalanin ang mga workers at mahulaan kung sino sa kanila ang tunay na breadwinner na sundalo. Sa unang tingin pa lang, kuha na ni Trabahador 1 ang boto ni Pops dahil sa kan’yang tikas. Pero nang sumabak sa military exercises at sagutin ang isang katanungan, si Trabahador 3 ang umangat sa laban.

Naku! Si Pops, nabudol! Si Trabahador 2, Christine, ang tunay na sundalo; samantalang bumbera si Trabahador 3 at pulis naman si Trabahador 1.

Ang kwentong breadwinner ni Christine ay patunay na posibleng magtagumpay ang mga tulad n’yang handang ibigay ang buong puso at buhay para sa pamilya, basta’t masipag at determinado. Bata pa lang ay itinatak na n’ya sa isipan na iaahon niya ang pamilya mula sa kahirapan; na darating ang araw, babawi siya sa lola na nagtaguyod sa kanilang magkakapatid. Sinikap magtapos ng pag-aaral para ma-secure ang future ng pamilya. Dagdag niya, pinasok niya ang military force dahil na rin sa mga benepisyo tulad ng libreng pagpapagamot sakali man na magkasakit ang lola at ina.

Malayo pa pero malayo na. Si Christine, nakapagpundar na ng bahay at sasakyan. Ang lahat ng mga pangarap ay unti-unting nagiging totoo, dahil sa sipag at inspirasyon na palagi n’yang bitbit sa puso.

Pamantasang sinta ay ibabandera ng dalawang estudyanteng kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Palaban ang pambato ng President Ramon Magsaysay State University, si Marry Glo Sanchez. Inspired by her 2-year-old baby at mga supportive na magulang, itinodo n’ya ang pagbirit ng “Katarungan.”

Hindi rin napigil ang gigil sa pagkanta ng Saint Michael’s College of Laguna representative, si Alexandra Caido. “Pag-Ibig Ko’y Pansinin” ang handog n’yang awit para sa atin.

Si Marry Glo, may kwento tungkol sa pinagmulan ng pangalan at sa isang miraculous moment ng kan’yang parents. Samantala, si Alexandra, nabanggit kung paano niya nilabanan ang insecurities sa pamamagitan ng makeup. Dahil d’yan, ibinahagi ni Vice Ganda ang sikreto para maging feeling pretty. Ano nga ba, Meme? At bakit nga ba siya nanggigil kay Anne Curtis, na always daw MIA?

Sa huli, si Alexandra ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Kyla, at Darren Espanto.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.