Pinatunayan at pinanindigan ni Vyan dela Cruz ng La Union na hindi delulu ang pagkakahulma niya kay KZ Tandingan matapos niya ma-impress ang madlang people at hurado at hirangin bilang grand winner ng Kalokalike Face 4 The Ultimate Face Off.
Matapos ang tatlong buwang kompetisyon at pagtanggap sa hamon ng iba't ibang personalidad ng buong mundo, nakuha ni Vyan ang pinakamataas na score na 9.8 mula sa hurados matapos niyang pabilibin ito sa pasabog na singing performance na mala-KZ sa Battle of the Faces.
Bilang grand winner, mag-uuwi sya ng ultimate artista package worth P450,000, P200,000 worth of wellness & beauty package, P50,000 worth of hair care and salon services, P100,000 worth of dental care services, P100,000 worth of medical and diagnostic services, a special trophy, at P300,000.
Nagsilbi bilang hurados sa Ultimate Face-off sina Jugs Jugueta and Teddy Corpuz, JC de Vera, Mavy Legaspi, Rufa Mae Quinto, at Gladys Reyes.
