MAYNILA -- Pinalagan ni Santino (Ronwaldo Martin) si David (McCoy de Leon) dahil sa pagiging bastos nito sa kanilang ina na si Marties (Cherry Pie Picache) sa sikat na seryeng "FPJ's Batang Quiapo."
Sa episode 466, hindi na nagawang magtimpi ni Santino sa kapatid dahil sa kawalang respeto nito sa kanilang ina.
Nauwi sa suntukan ang pagtatagpo muli ng magkapatid. Naging halata naman ang pagpanig ni Rigor (John Estrada) sa anak nitong si David nang saktan nito si Santino.
Nauna nang kinompronta ni David ang inang si Marites dahil sa nangyari kay Lena. Giit ni David ang inang si Marites ang may kasalanan kung bakit namatay ang dapat sana ay magiging kapatid niya.
Matatandaang nakunan si Lena nang mahulog ito sa hagdan nang sugurin at saktan nito si Marites.
Dahil sa nangyari, nagawang pagbuhatan ng kamay at patuloy na sinisisi ni Rigor si Marites kahit wala naman itong kasalanan.
Nitong Huwebes ng gabi, nakapagtala ang "FPJ's Batang Quiapo" ng 545,588 concurrent viewers o 'yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.
Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
MGA KAUGNAY NA VIDEO:
