← Back to Home
Tambalang 'MaMon,' nagpakilig sa 'Batang Quiapo'

Tambalang 'MaMon,' nagpakilig sa 'Batang Quiapo'

Sa kabila nang matinding kasalanan at hindi magandang karanasan, tila napapalapit na si Marites (Cherry Pie Picache) kay Ramon (Christopher de Leon).

🕒 11/28/2024, 3:54:08 AM277 wordsEN

ABS-CBN News

#MaMon#Christopher de Leon#Cherry Pie Picache#Batang Quiapo



MAYNILA -- Sa kabila nang matinding kasalanan at hindi magandang karanasan, tila napapalapit na si Marites (Cherry Pie Picache) kay Ramon (Christopher de Leon).

Sa episode 465 nitong Miyerkoles ng gabi, naging patok sa mga manonood ang pagiging malapit ni Marites kay Ramon, ang tunay na ama ni Tanggol (Coco Martin).

Kinilig ang mga manonood nang tulungan ni Marites si Ramon na gamutin ang sugat nito matapos itong mapasabak sa barilan para mailigtas ang nauna.

Giit ni Marites, kahit pa tinutulungan niya si Ramon ay hindi ibig sabihin ay nakalimutan na nito ang nagawa nitong kasalanan sa kanya.

"Hindi ko naman pinipili ang mga taong tinutulungan ko, kahit sino pa sila. At saka napakaliit na bagay ito para suklian ko ang kabutihan na ginawa mo sa akin ngayong gabi," ani Marites.

Giit ni Ramon, nais niyang tulungan si Marites para mabuo muli ito at maging masaya.

Pag-amin ni Marites, sa kabila nang kasalanang nagawa sa kanya ni Ramon hindi niya inaaashang kamay nito ang kanyang aabutin sa oras ng kanyang kahinaan. 

Para kay Marites, tao lang din si Ramon na nakakagawa ng kasalanam at nararamdaman niyang haharapin nito ang nagawang pagkakamali para gumawa ng tama.  

Dahil sa narinig, hindi napigil ni Ramon na halikan si Marites.

Bago iwanan si Ramon, sinabi nitong hindi siya nakaramdam ng galit sa paghalik nito dahil sa ipinakita nitong kabutihan. Giit rin ni Marites, hindi dapat nangyari ang namagitan sa kanila ni Ramon.

Nitong Miyerkoles ng gabi, nakapagtala ang "FPJ's Batang Quiapo" ng  532,445  concurrent viewers o 'yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.

Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z,  TV5,  iWantTFC at TFC.


RELATED VIDEOS:





Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.