MAYNILA — Isa ang yumaong si Nora Aunor o mas kilala ng nakararami bilang “Ate Guy” sa naging haligi at inspirasyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa mahigit limang dekada niyang pag-arte, umabot na sa 170 pelikula ang binigyang-buhay ng tinaguriang “Superstar” at umani ng maraming pagkilala at nagmarka sa masa.
Pero higit diyan, tingin ng filmmaker na si Baby Ruth Villarama, binago ni Nora Aunor ang mismong industriya.Dahil sa mga pagganap ni “Ate Guy”, naging posible ang mga pelikulang "mas totoo, mas makatao, at mas maka-Pilipino", ani Villarama.
Ilan sa mga classic na pelikula ni Nora Aunor na mapapanood na online ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Minsa’y Isang Gamu-Gamo (1976), Ina Ka ng Anak Mo (1979), Bona (1980), Himala (1982), T-Bird at Ako (1982), The Flor Contemplacion Story (1995), at Thy Womb (2012).
– Ulat ni Kaxandra Salonga, Patrol ng Pilipino
Video edited by Kaxandra Salonga
National Artist Nora Aunor to be given hero’s burial
Nora Aunor’s inspiring life: Five facts you need to know about the Superstar
Joel Lamangan reveals plans for Nora Aunor biopic
Nora Aunor died after medical procedure, says son Ian
Ikaw ang Superstar ng Buhay Ko: Fans pay tribute to Nora Aunor with song number

