Screen grab: YouTube/Ivana Alawi
MAYNILA - Muling napasaya ni Ivana Alawi ang kanyang ina na si Fatima sa ibinigay niyang regalo para sa pagdiriwang ng Mother's Day.
Sa vlog na inilabas ni Alawi nitong Huwebes, makikita ang masayang reaksiyon ng ina ni Alawi nang malaman nitong P2 milyon ang nakuha niya mula sa sorpresang palaro sa kanya ng anak.
Bago makuha ang P2 milyon, hinamon ni Ivana ang ina na mamingwit ng mga isda. Ang hindi alam ng ina ng aktres ay ang 10 isda na kanilang nahuli ay P2 milyon ang katumbas.
Screen grab: YouTube/Ivana Alawi
"Yung pagbabalik ng pagmamahal sa ina ay walang katumbas 'yon so whether P10,000, P5,000, kung anong galing sa puso niyo. Pero siyempre kasi si mama nandoon siya noong walang-wala ako, noong hindi ako nakukuha sa pag-aartista," ani Alawi.
"Sa mga nanay diyan, basta itinanim niyo ng maganda ay maganda rin ang ani," saad naman ng ina ni Alawi.
Nakatanggap rin si Fatima sa regalo mula sa tatlo pa niyang anak.
Hindi ito ang unang beses na ipinakita nina Alawi at kanyang mga kapatid ang pagmamahal sa kanilang ina.
Noong nakaraang taon, tinupad ni Alawi ang pangarap ng ina na magtungo sa Paris.
LOOK: Ivana fulfills mom's dream to see Eiffel Tower
Bukod sa pagba-vlog, parte si Alawi ng seryeng "FPJ's Batang Quiapo" kung saan bidang aktor si Coco Martin.
Mga kaugnay na video: