← Back to Home
Santino, tinapos ang isang karakter sa 'Batang Quiapo'

Santino, tinapos ang isang karakter sa 'Batang Quiapo'

Sa episode 459, tuluyan nang nabahiran ng dugo ang mga kamay ni Santino (Ronwaldo Martin), kapatid ng bidang karakter na si Tanggol (Coco Martin).

🕒 11/20/2024, 3:34:10 AM180 wordsEN

ABS-CBN News

#Batang Quiapo#Tagalog News#Santino#Bullet##Ronwaldo Martin#Renz Fernandez


MAYNILA --  Naging maaksiyon ang tagpo sa "FPJ's Batang Quiapo" nitong Martes ng gabi nang sugurin ng grupo ni Olga Montenegro (Irma Adlawan) at David (McCoy de Leon) ang grupong Red Phoenix nina Richardson Wu (Ricardo Cepeda) at Roy (Jeffrey Tam) sa pagawaan ng ilegal na droga.   

Sa episode 459, tuluyan nang nabahiran ng dugo ang mga kamay ni Santino (Ronwaldo Martin), kapatid ng bidang karakter na si Tanggol (Coco Martin) matapos niyang mabaril at mapatay si Bullet (Renz Fernandez), isa sa tauhan ng mga Montenegro.

Sa social media post ng Dreamscape Entertainment, nagpasalamat at namaalam na ito sa karakter ni Fernandez. Si Fernandez ay anak ni Lorna Tolentino na parte rin ng "Batang Quiapo" bilang si Amanda.


Nitong Martes ng gabi, nakapagtala ang "FPJ's Batang Quiapo" ng 519,192 concurrent viewers o 'yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.

Mapapanood ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z,  TV5,  iWantTFC at TFC.

Batang Quiapo: Lena, nagwala, inilaglag na si Rigor

Tindeng, sinugod si Lena sa 'Batang Quiapo'

PANOORIN: Bagong Tanggol sa 'Batang Quiapo'?


MGA KAUGNAY NA VIDEO:




Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Santino, tinapos ang isang karakter sa 'Batang Quiapo' | Cheezmis